Monday, August 6, 2007

ibon man may layang lumipad.

yyyeeeess! isa na siguro ito sa pinaka magandang nangyari ngayong intern ko! pumasok sa makati bitbit ang isang malungkot na mukha at mabigat na pakiramdam. balik na naman ako sa hawlang unti-unting pumapatay sa aking kasipagan. heheh! (*para namang!) sa araw-araw na pagharap ko sa monitor ng PC ay halos ituring ko na itong hawla na naglilimita sakin upang matuto ng iba't ibang bagay. ang pakikipagharap ko sa bawat itim,orange,pula,green at blue na kulay sa Dreamweaver ay pakiramdam ko unti-unti na nyang nakikita ang aking kahinaan. ang pakikiharap sa kanya araw-araw. ngunit iba ang araw na ito! hahah! ito ang araw kung saan hindi siya nakapalag sakin! alang nagawa ang SIR at 192.168.1... sakin,kahit sino! i feel invinsible! busyng busy ang aking mga daliri kaka chat sakin ym,napagod ang aking isip kaka-isip ng mga i-da-download na kanta! at ako'y naka upo sa isang napaka lamig na lugar,isang bagay na ngayon ko lang naranasan kung kelan ako ay magpapaalam na sa sinumpang lugar na ito! ngak-ngak! sa wakas! ilang araw na lang at magiging mas malaya na ako! mas maganda pa sa araw na ito! yes!

No comments: