Tuesday, August 28, 2007
who needs shades?
madami-dami na ring pagsubok ang napag-daanan ng aking mata,andyan ang magka blood clot ang left ng dahil sa isang bading at ang walang kapagurang kuliti tuwing summer. pero nitong mga nakaraang araw,naransan ko ang isa sa pinaka mahirap na sitwasyon ng aking buhay. ang araw na nagka sore eyes ako. ganun pala ang pakiramdam nun,palibhasa't virgin sa ganung klaseng sakit ako ay walang kaalam-alam kung paano susupilin ang ang mapula at magang sitwasyon ng aking mata. sinubukan ko na ang tradisyunal na pagbili ng eye-mo dahil "it gets the red out in 60 seconds." pero ala palang sinabi ang over-the-counter product na yun! i tried to seek the help of my "nursing"(registered na ngayon,congrats!) friends,pero yun din ang sinabi,mag eye-mo na lang daw ako! sabi ko sobrang old skul na yun,elementary palang ako ay uso na un,pero sinubukan ko parain baka nga naman maka-tsamba ang gamot na madalas ding gamitin ng mga artista para mapa-iyak ng alang kahirap-hirap. heheh. pero ala wenta,dito na umandar ang imagination ko. nung gabing iyon ay naisipan kong i-cold compress ang mata ko,nakakatawa dahil pag gising ko ay hindi ko na maidilat ang isang mata ko. nun lang ako gumising ng may ganung kakapal na muta sa buong buhay ko. sa pagkakataong ito,ala ako ibang masisi kundi ang malikot at mapaglaro kong imahinasyon. ito ako ngayon nag-ttype na parang pirata,pikit ang isang mata at patuloy na nakikipag laban sa isang madugong labanan. bow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment