Saturday, July 21, 2007

Extra Challenge

nagulat ako ng makakita ako ng sangkatutak na tao sa daan. kumpleto ang set-up,andun ang van ng channel 2,me photographer sa taas ng sasakyan, at may mamang nakatayo sa tabla. akala ko may myx live performance si sarah geronimo ng gabing iyon,sayang at alang camera ang phone ko! pero sa bawat hakbang ko papalapit sa entabladong tatawagin nating "tulay to hell", ay sinapawan ng mga hinaing ng tao ang lakas ng aking ipod.
woah! "ano ang nangyari!",sabi ko. sira ang footbridge sa kaliwa ko at di naman mahulugan ng karayom ang sa kanan? at pag tingin ko sa gitna. wow! mukhang matutupad na ang pangarap kong pagsali sa extra challenge noong araw. sangkatutak na tao ang nag-uunahang makatawid sa improvised na 1 foot na lapad na tulay,ay grabe! at sa pagkakataong iyon lumabas na naman ang aking pagka adventurous. di ko palalagpasin ang pagkakataon,kailangang maka tawid ako sa tulay na un. nagulat ako ng malaman kong hindi lang pala ako ganun.
andyan sila mag "swithart" na swit na swit na tumatawid habang magka holding hands, andyan ang mga "bully" sa pakikipag unahan, andyan si lola na buong tapang hinarap ang pinaka matinding gyera ng kanyang buhay matapos ang WWII, at papatalo ba naman ang myembro ng federasyon? ay! ayun at poise na poise sa pagrampa sa umuugang tulay. wa care sa basurang nag aabang sa kanila sakaling sila ay bumagsak. matapos ang ilang minuto, may narinig akong sigaw. akala ko si paolo bediones na, un pala isa sa mga red boys ni sherwin. eew.
naglagay sila ng lubid para daw hawakan ng mga tumatawid,wow maparaan! sino nga ba naman ang masisi pag may na-aksidente sa kalokohang ginawa nila. naka score sila dun. clap! clap! pagkaraan ng ilang taon,naka tawid din ako. akala ko doon na nagtatapos ang pagsubok ng gabing iyon,hindi pa pala. may naghihintay pa palang isa,at sa pagkakataong ito itaas natin ang level ng danger sa 7. tatawid ako ng alang lubid,whew!
sa pagkakataong iyon,inalala ko ang mga napapanood ko sa tv. makakatulong pala talaga ng malaki ang hindi pagtingin sa ibaba kung ikaw ay tatawid sa ganun kanipis ng tulay at ganung kabahong basura ang iyong babagsakan. maraming salamat sa worst case scenerio para sa free lecture at ke mamang nagpausong sirain ang tulay! salamat sa pagtupad ng pangarap kong makasali sa extra challenge.
pakyu ka!

No comments: