Thursday, May 29, 2008

sumamer.

sa bawat pagdaan ng araw,imposibleng hindi tau makaranas ng kahit 1 patak man lang ng ulan. ito ay hudyat na nalalapit na ang tag-ulan at ang pasukan. ngunit bago ko pasukan ang aking mga huling araw bilang isang mag-aaral e,we'll take a look back sa isa sa pinaka memorable kong summer vacation.

goal ko nga pala ngayong bakasyon ay ang kahit panu ay pagpawisan at makapagbawas ng timbang. naging inspirasyon ko dito ang motto ni Milo:the energy drink,"great thing start from small beginnings". naks. nagsimula ang summer ko na naka-tunganga sa bahay at sa sobrang kabatuhan e araw-araw ang paglilinis ko dito. pinag papawisan na,napasaya ko pa mga lola ko. nang medyo pagtagal-tagal ay nabato na din ako sa ganitong routine, madali lang siguro talaga ako magsawa ganitong bagay. sinubukan ko namang magpaka puyat sa internet, kakabasa at kaka DL ng kung anu-anu lang makapag putay lang. nakaka payat daw kasi un kahit panu,as if naman pumayat ako dun ng ganun,e lagi ako me katabi chocolates to keep me awake. mukhang di ko maa-achieve ang goal ko pagnagkataon.

wow! mag su-swimming daw kami ni yabs! ang saya, e d hanap kami ng resort at nagpa reserve. masaya ang naging adventure namin, mula sa mahigit 4 hours na pagbibiyahe papuntang resort; kung saan halos na ata ng sasakyang pang public transport e nasakayan namin at pag explore sa mapaka gandang beach/reosrt na yun.

daming 1st time experience dun, ang una ay ang pagkakita ko ng isang gecko! ung tuko. ang cute pala nya,ang laki ng bunganga parang ung isa kong kaibigan at mukha pala itong butiki, dati kasi akala ko para siyang bayawak. ang isa pa ay ang pagpunta ko sa mataas pa saking tubig, ung lagpas sakin ang tubig? ung beach? gets?! o basta,yun na yun. at kasabay nun ay ang near-death experience ko, buti na lang at sinagip ako ni yabs sa muntikanan kong pagkakalunod. hahah. 1st time dn nag trekking sa humigit kumulang na 30 ft. na bato! ahaha. ang taas nun ah, mjo ninerbyos ako kahit panu kasi ay madulas din yung bato. palusot. after nun, mga 1 week lang 8 waves naman kami. kung saan me waves,pero parang ala. pero memorable padn, kasi i have redeemed myself. ayun,tamang yabang sa pag po-floating at paglangoy sa 3 ft na pool. masaya kasi,i feel like a child again. ito din ang naging reason sa pagka nognog namin ni yabs.

pagbalik sa Manila,tamang tambay na naman,sa sobrang kabatuhan e bigla ako napalabas ng bahay. at ayun! tinatawag ako sa court,yes at buti na lang napalabas ako. halos araw-araw din ako naglalaro for one week, tapos nasali pko sa liga. nice naman. at dito din nabuo ang "im back" at "im down" story ko. ngayon oras na para ilabas ang 179 lbs (down from 180 lbs) body ko,para salubungin ang napaka sasarap na buhos ng ulan. chillax!

No comments: