shit! anu ba naman to! ito ang story ng pagbabalik at pagbagsak ko! kainis! supposedly kasi eh me laro kami tonight ng 5:00pm,since nga enrollment namin sa school at sympre i have to see my yabi din naman. sabi ko past ako tonight,because of a very important occasion. so alam ko ng hindi ako maglalaro tonight nga,e d around 9:00pm sa Monumento after spending a very happy night with yabs e nag petix-petix ako at naging mitikuluso sa pagpili ng jeep na sasakyan pauwi kasi nga expected ko ay tapos na din naman ang laro namin at nakakahiya naman namang dumaan sa court na me naglalaro pa. so ayun nga, petix-petix at nakakita din ako ng maganda-gandang jeep at sa upuan ang harap. e d sakay nko,at napaka traffic sabi ko,"ang swerte naman patay na siguro ilaw sa court pagdating ko.". mga 9:45pm,nasa kanto nko tamang chill parin sa 7-11 bili ng water kasi uhaw n uhaw ako. tamang lakad din pauwi,alang sense of urgency. sabay nung malapit nko samin dinig na dinig kong tinatawag ang pangalan ng kakampi ko,"shet! start plang ng 2nd half!". e d ako naman sa hiya ko,takbo papuntang bahay habang nadidinig ang kantsaw ng mga tao na,"anuba yan late! bihis na!". e d ako naman bihis kagad,ala pa ata akong 1 min sa bahay e nsa court na kagad ako. heheh. ito na,nakita ko dikit ang laro.
wow! unbeatable ang kalaban namin sabay dikit at ala pako. heheh. tamang warm-up ako ngunit kulang,nang unti-unti ng lumalayo ang kalaban ito na ang magaling kong coach pawis na pawis parang ayaw pko ipasok,loob-loob ko,"ok lang,yoko naman talga.". heheh. turnover sabay pasok ako,ito na unang hawak ng bola tamang pasa lang-gawa ng play at naishu-shoot naman,so sabi ko ganito na lang muna painit lang muna pasa-pasa. at bumaba ng 6 ang lamang nila after mga 1 minute siguro un,at ito na po tayo. habang hawak ko ang bola,nakakita ako ng magandang pagkakataon para dumrive. tae ba naman bantayan ako ng isang matandang lalaki na matanda pa ata sa tatay ko. e d anu pa nga ba ang dapat kong gawin, sugod! at dito na po natapos ang laro ko. pagkatapos kong gawin un,bagsak na ko. and just like 4 years ago,ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng paa ko sa nakalabas na paa ng kalaban at isang matinding tuhod sa tagiliran. nku pow! takbuhan ang mga tao sakin,dami nilang concern sakin. siguro kasi nakita na nila nangyari sakin dati,nag collapse ako sa sobrang sakit 4 years ago at dun din sa paa na un ang tama ko. wow,pasok na naman sa utak ko ang nakalawit na buto sa paa ni Willie Miller nung na-injure cya. tamang hilo na naman,so pinalayo ko ang mga tao at baka mawalan ako ng hangin yoko namang mag collapse sa harap ng madaming tao noh.
at dyan na nga natapos ang gabi ko,uwi ako samin na binubuhat ng pinsan ko di ko na tinapos ang laro. di ko kaya maglakad,sobrang maga ng paa ko. at kagaya nga ni Agent Zero im down na din,at di alam kung kakayanin pang maglaro ulit. ang standing namin ng paa ko,2-0. kung sa pagtulog sana,me napala pa ako(me singing). hay buhay nga naman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment