Wednesday, July 2, 2008

Si Pepe at Ako.

14 weeks kami magsasama ni Pepe,at kahit alam kong alam ko na lahat ng kailangan kong malaman tungkol sa kanya para parin akong nahihiya at naiilang sa kanya. me mga bagay-bagay siguro na ikina-katakot ko sa kanya kaya ganun,yoko naman siya pa ang maging hadlang para masira ang future ko. gusto ko maging maganda ang aming pagsasama, tina-try ko naman ang best ko. pina-pakinggan ko ang bawat balita at bagong kaalaman na isinasalin mo sa utak ko, kaya sana naman ay ma-appreciate mo ang effort kong ibinibigay sayo. heheh. binabalaan kita, wag n wag mo lang mo lang akong bigyan ng dahilan para antukin sa mga kwento mo. yokong masira ang inaasahan kong magandang relasyon nating dalawa. kaya idol, hinay-hinay lang, konting gana naman madalas na akong napapa pikit sayo. gudluck satin Pepe.

No comments: