Thursday, July 17, 2008

art is kul.

habang hindi ako makatulog, nag browse ako sa net ng kung anu-ano lang. hindi ko muna pinansin si Pepe dahil gusto ko muna mag relax sa kanya. halos whole day ko din siyang tinutukan at mjo kailangan ko na muna mag unwind. nagbabasa ako ng mga blog at nagti-tingin sa deviantart ng bigla akong gananahan mag paka-artistik. actually, mjo me talent naman ako sa pag guhit, mjo ala sa pag kulay. madiin ako humawak ng crayola, at lampas-lampas sa lines ang kulay. kaya kung mjo ti-tignan nyo ang mga drawing mula pa nung bata ako, sigurado akong masasabi nyong "sayang, walang kulay ang gawa nya". mjo madami-dami na din ang nagsab sakin nyan na teacher, ang sagot ko lang,"shading po kasi nagdadala dyan." hahah. madalas din ako masali sa mga poster making contest dati sa school, since grade 4 hanggang 1st year serious competitor ako dyan. ung 2nd year to 4th year kasi, sumasali na lang ako para ma excuse sa klase. talking about diskarte. pero me naging award naman ako dyan na maipagmamalaki, twice ako nanalo. isang xmas card making contest, kung saan me nag comment na "drawing ba to? parang totoo eh, buhay na buhay ang pagkaka drawing." heheh. pero 3rd place lang un, sympre as expected sakin alang kulay un. pero what if meron,what if! pero okies lang, masaya nko dun. ung last na sali ko, maganda din ang result. 2nd nko, grade 6 un tanda ko. ang alam ko si Sakuragi ang dinrowing ko dun, ang ganda nun! PROMISE! pero wag nyo na tanong kung bakit 2nd lang un, as usual ala color. pagdating ng high school, mjo nag li-low nko nyan. nagdo-drowing na lang ako para magpa impress ng chix. hahah. me mga natutuwa at nauuto din naman ako. madami-dami din ung nagawa ko na un, kaso baduy puro powerpuff girls pero sumablay din ako sa huli dun sa chix. cguro kasi gusto nya ung me kulay na powerpuff girls, bka nahirapan cya i-distinguish ung tatlo. un na siguro ang last na matino kung nai-drawing.

pagdating naman ng college, ni hindi ata ako nakahawak ng pencil o kahit anung art materials bukod dun sa ArtApre na subject namin. dun me napabilib na naman ako, nag drawing ako ng tao. alam ko si John Lennon un, maganda cya nung pencil lang. pero pinilit akong kulayan ng prof ko un, ayun mjo nagkukulay cya, hindi cya gumanda pero at least me kulay cya. hahah. well,well sa totoo lang naiinget ako sa mga tao na magaling mag color. lalong-lalo na sa hindi mabigat ang kamay at hindi lumalampas ang color sa mga lines. at mas mataas ang respeto ko sa mga taong nkkapag vector, saludo ako sa kanila. napaka tyaga nila pra isa-isahin ang bawat layer ng mga gawa nila. i've tried it na naman, pero parang kailangan ko pa ng napakaraming practice at tyaga para makatapos ng isang mukha.

pero siguro bago ko pangarapin ang magkulay gamit ang photoshop, kailangan ko muna matutunan ang basic. heheh. kaya bumili ako ng lapis at krayola para mag exercise at mag praktis muna sa bagay na mas madali. dont worry, im not yet giving up. just give me time, after ko cguro i download ang photoshop e ready nko. bonne chance!

si Combatron. first try ko mag vector.

No comments: