Monday, October 22, 2007
102007
matapos ang isang umaatikabong putukan sa glorietta noong nakaraang biyernes akala ko ay hindi na matutuloy ang naka-schedule naming pagkikita ng mga tropa noong highschool. heheh. it's been 4 years since nung lumabas kaming magkakasama,sa 4 na taon na yun ang naging meeting place lang namin ay ang LRT. nakuntento na kami sa 5 minutes na usapan sa mga panahon na yun. ngunit hindi noong araw na yun,kahit late na naman c kat e sa wakas at nagkita-kita din kami. ang dami ng pagbabago sa mga buhay namin. meron ng mga naka graduate at may ga-graduate na din meron ng magiging tatay. ako pa yata ang maiiwan. shocks. tumatanda na ko. walang sawang tawanan tungkol sa favorite subject naming magkakaibigan ang nangyari habang kumakain,balitaan tungkol sa mga di makakalimutang highschool life. at sa huli hindi matapos-tapos na paalamanan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment