1. "Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga
lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
2. "Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang
utak para alagaan ang sarili mo."
3. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng
iba. "
4. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
5. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
6. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo
kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
7. "Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay
mo.. Dapat lumandi ka din."
8. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na
araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
9. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa."
10. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao
rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
11. "Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
12. "Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap
na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang
makasama ka."
13. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin
ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.
Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag
mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan
mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso,
utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo,
kundi IKAW mismo!"
14.
"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi itomultiple choice, identification, true or false, enumeration orfill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahanito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung maykabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."15. "Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa
hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman.
Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."
16. "ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
17. "hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
18.
"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay aykasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin aykatotohanan. "19. "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog
nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang
umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung
saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."
20. "Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka
pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga
araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.
(Haaay, sarap!)."
21.
"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung maypagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ngbuhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walangnapatunayan at bait sa sarili."